Factory worker pinatay, sinunog

CAVITE, Philippines – Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang 42 anyos na factory worker matapos itong brutal na paslangin ay sunugin pa ang bangkay sa madamong bahagi ng Brgy. Lalaan 1st, Silang, Cavite kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Vilma Varias, 42 anyos, residente ng Brgy Balubad Marahan, Alfonso ng lalawigan.

Inaresto naman ng pulisya ang tricycle driver na si Romualdo Pigollo, 43 anyos, may-asawa na patuloy na iniimbestigahan matapos na isang testigo ang magturo rito na nakitang huling kasama ng biktima.

Sa imbestigasyon ni PO3 Carlito Loyola, bandang alas-4 ng hapon ng madiskubre  sa madamong bahagi ng lugar ang halos hindi na makilalang bangkay ng biktima dahilan sa grabeng pagkasunog nito. Positibo namang kinilala ng pamilya ng biktima ang bangkay nito na ilang araw na umanong nawawala.

Show comments