MANILA, Philippines - Anim-katao ang iniulat na nasawi habang walo pa ang nasugatan matapos magbangaan ang 10-wheeler truck at van sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng hapon.
Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Rodelio Jocson, director ng Maguindanao PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang trahedya sa bahagi ng Barangay Sarmiento bandang alas-3 ng hapon.
Isinugod naman sa paÂgamutan sa Cotabato City ang mga nasugatang biktima kabilang ang ilang nasa kritikal na kalagayan.
Gayon pa man, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan dahil patuloy pa ang imbestigasyon sa pinangyarihan ng salpukan.
Nabatid na bumabagtas sa highway ang Toyota Innova nang makasalubong ang 10-wheeler truck kung saan nasawi ang anim-katao.
Sumaklolo naman ang resue team ng lokal na pamahalaan upang maisugod sa ospital ang mga sugatan.