Guro pisak sa trak

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Naunang sinalubong ni kamatayan ang 29-anyos na guro matapos mahagip ng trak sa kahabaan ng highway sa Barangay Quirino, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa. Pisak ang katawan  ng biktimang si Leonie Gabino ng Barangay Namal sa bayan ng Asipulo, Ifugao habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si Damian Gabino, 21. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nahagip ng motorsiklo ang dalawang naglalakad na tao kaya sumemplang ito kung saan tumilapon ang guro. Dito naman nagulungan ng trak ni Ernesto Soriano ang biktima habang ang nagmamaneho ng motorsiklo ay sugatan.

 

Show comments