3 Sudanese, 1 pa tiklo sa damo

BAGUIO CITY, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong Sudanese at isang Pinay matapos maaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pot session  sa loob ng apartment sa Amado Street, Tapuac District sa Dagupan City, Pangasinan noong Huwebes ng hapon. Sa ulat, ang mga suspek na sinasabing miyembro ng gang ay kinilalang sina Mohammad Almad Mustafa, 23; Mohamed Emubarak Ali, 21; El Mustafa Mahammed, 20; at si Ampers Guntang,  24, nobya ni Mohammed. Sa ulat ni Bismark Bengwayan, spokesperson ng  PDEA-Region 1, dinakma ang mga suspek matapos ireklamo ng mga kapitbahay na may nagaganap na pot session sa apartment. Dito na inilatag ang surverillance ng PDEA kung saan naaktuhan ang mga suspek. Nasamsam ang 201.5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalias.

Show comments