Misis dinedo ng biyanan

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 38-anyos na misis matapos itong pagbabarilin ng kanyang biyanang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Matictic sa bayan ng Nozagaray, Bulacan kahapon ng umaga. Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Erlinda Capistrano habang naaresto naman ang suspek na si Fermin Ca­pistrano, 69, ng Barangay Sulucan sa bayan ng Angat. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Dale Soliba, nagpapahinga ang biktima sa bahay ng kanyang mga magulang sa Sitio Padling sa nabanggit na barangay nang dumating at pagbabarilin ng suspek. Sa follow-up operation, nasakote ang suspek sa kanyang bahay sa Sitio Libis-na-Malaki, Brgy. Sulucan. Nasamsam din sa suspek ang isang rifle, mga bala at granada.

 

Show comments