TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang motibo ng pagkakapaslang sa 37-anyos na coordinator ng nanalong vice mayor matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Loing, bayan ng Piddig, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni Ilocos Norte PNP spokesman P/Supt. Jeffry Gorospe ang biktima na si Michael Padaca, coordinator ni Vice Mayor-elect Gener Aquino. 
Pinawi naman ni Gorospe ang mga haka-haka na may kinalaman kay Comelec Comissioner Grace Padaca ang kaso dahil kaapilyedo lamang ng biktima.
 Naunang inaÂkala ng mga imbestigador ng pulisya na kaanak ni Comelec Commissioner Padaca ang biktima.