Lola ginulpi ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Halos hindi makagulapay ang katawan ang 71-anyos na lola matapos gulpihin ng kaniyang sadistang ka-live-in sa Barangay San Isidro, bayan ng Liloy , Zamboanga del Norte kamakalawa. Pormal na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima na si Rosario Borling, biyuda, ng Brgy. Panabang kung saan naisugod sa Liloy District Hospital habang arestado naman ang suspek na si Romulo Bayubay, 54. Sa ulat P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office (PRO)9, naganap ang insidente bandang alas-9:10 ng umaga matapos mag-away ang magka-live-in dahil sa hindi mapagbigyan ng biktima ang paglalambing ng suspek na nagugumon sa kaniyang bisyo. Sa puntong ito ay ginulpe ng suspek ang walang kalabanlabang matanda hanggang sa halos hindi na ito makagulapay sa tinamong mga sugat sa katawan.

Show comments