Mag-asawa niratrat sa bahay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawa na naghahapunan sa kanilang bahay matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Alinnayab, bayan ng Pidigan, Abra kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Rodolfo Cabotaje, trike driver at Cameliza Cabotaje
 na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Naisugod sa ospital ang mag-asawa kung saan naudlot ang paghahapunan.  Pinaniniwalaang may bahid politika ang naganap na pamamaril dahil ang mag-asawa ay masugit na nakasuporta ng kandidato sa kanilang bayan. Narekober ng pulisya sa crime scene ang 30 basyo ng mga bala ng cal.45 pistol at Carbine.

Show comments