Crew ng fishing vessel kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang crew ng  fishing vessel sa karagatan ng Pilas Island sa bayan ng Lantawan, Basilan, ayon sa opisyal ng militar kahapon. Kinilala ang dinukot na si Lucio Gonzales, isa sa mga tripulante ng Albert Fishing Boat at nakatira sa Brgy. Cawit, Zamboanga City. Ayon kay Col. Rodrigo Gregorio ng AFP-Western Mindanao command, naganap ang insidente bandang alas- 12 ng tanghali noong Martes kung saan nilapitan ng mga armadong kalalakihan na lulan ng dalawang pumpboat ang bangka ng biktima. Huling namataan ang mga kidnaper na tumahak sa direksyon ng Sulu kung saan wala pang ransom demand na natatanggap ang pamilya ng biktima at maging ang may-ari ng fishing vessel.

Show comments