Anak nagtanan, ama nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding depresyon dahil sa anak na dalagang nagtanan ay nag-suicide ang 48-anyos na ama matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Zambowood, Zamboanga City kamakalawa. Sa ulat  ni P/Chief Insp. Ariel Huesca na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-3 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Mario de Guzman. Huling namataang buhay ang biktima na nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan matapos na madiskubre nito na iniwan na sila ng kaniyang anak na si Ivy Dimple de Guzman, 19., na sumamang nagtanan sa nobyong taga Barangay San Roque.

Show comments