Binata kinatay, sinunog ang ari

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang binata matapos itong pagtatagain ay sinunog pa ang ari nito bago itinapon ang bangkay sa dagat sa Barangay San Roque, bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Catalino Samson ng Barangay Dalama ng nasabing bayan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima na lumulutang sa karagatan ng Sitio Lumarao sa nabanggit na barangay. Ang biktima ay nagtamo ng mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kung saan halos maputol ang mga kamay at paa nito. Sinunog din ang likurang bahagi ng katawan ng biktima at ari nito na labis na ikinagulantang ng mga residente.

Show comments