Welder itinumba ng tandem

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 38-anyos na welder matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng kanyang pamilya at kapatid sa bisinidad ng Barangay Burol 1st, bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jimmy Guinto habang hindi naman sinaktan ang mag-ina nitong sina Lyn Guinto at Jelyn Guinto, 8; at kapatid na si Jennelyn Guinto, 42, pawang nakatira sa Sitio Tiwala sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO4 Roberto Santos, pauwi na ang biktimang lulan ng traysikel kasama ang kanyang mag-ina at kapatid mula sa polling precinct nang magpa-vulcanize sa bahagi ng McArthur Highway. Dito na nilapitan ng isa sa tandem ang biktima saka pinutukan sa ulo ng dalawang beses.

Show comments