Brgy. chairman utas sa barilan

BATANGAS, Philippines – Patay ang isang barangay captain samantalang sugatan naman ang pinsan nito matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa bayan ng Taal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Inspector Joel Laraya, Public Information Officer ng Batangas Police, ang nasawing biktima na si Chairman Arnel Marcellana ng Brgy. Cawit, Taal, Batangas. Nasugatan naman si Benjie Marcellana matapos tamaan ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa Batangas Regional Hospital sa Batangas City. Sa imbestigasyon, nakatayo sa harap ng barangay hall si Marcellana nang lapitan ng mga armadong suspek sa Brgy. Cawit at barilin ito sa ulo dakong alas-9:45 ng gabi. Sa salaysay ng mga saksi, tumakas ang suspek na naglalakad lamang. Isinugod naman si Marcellana sa Taal Polymedic Hospital pero idenekalara itong dead-on-arrival.  

 

Show comments