Ayaw lumipat ng partido, ginulpi

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Bugbog-sarado ang inabot ng 43-anyos na campaign supporter ng mayoralty bet matapos tanggihan nito ang alok ng kanilang barangay chairman na lumipat ng partido kamakalawa sa Barangay San Vicente, bayan ng Jones, Isabela.

Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas ang biktima na si Eddie Ruiz, campaign supporter ni Vice Mayor Leticia Sebastian na tumatakbo sa mayoralty race.

Limilitaw na nilapitan ni Chairman Leonardo Ma­mauag ang biktima kasama si Vice Mayor Sebastian sa house-to-house campaign para hikayating lumipat sa kanilang partido.


Tumanggi naman ang biktima sa alok ni Chairman Mamauag na iwanan si Vice Mayor Sebastian at sa halip ay lumipat sa kanilang grupo sa kampanya ng asawa ni Mayor Florante Raspado.

Si Mayor Raspado ay nasa ikatlo at huling termino kaya tumakbo sa vice mayoralty race kung saan running mate nito ng kanyang asawang si Evelyn na kandidato naman sa pagka-alkalde.


Dito na sinasabing pinagsusuntok ng chairman ang biktima sa harap ng kanyang mga kasamahan matapos tanggihan ang alok ng barangay opisyal kung saan dinakma naman ito ng pulisya.


Show comments