Mister inutas ng pulis

NUEVA ECIJA, Philippines – Nanganganib na masibak sa serbisyo at makulong ang isang tauhan ng pulisya makaraang barilin at mapatay nito ang 41-anyos na mister sa Barangay San Alejandro, bayan ng Quezon, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, provincial director ng Nueva Ecija PNP, tugis ngayon ang suspek na si SPO1 Sabino Erese ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) sa San Fernando City, Pampanga. Sa imbestigasyon, lumilitaw na sinalubong at binaril ng suspek ang biktimang si Ernest “Huk” Vegiga habang naglalakad papauwi sa Barangay San Alejandro. Matandang alitan ang isa sa motibo ng suspek ang nasisilip ng mga imbestigador ng pulisya.

 

Show comments