MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nabigong magbayad ng permit to campaign fees sa mga rebeldeng New People’s Army kaya kinidnap ang isang mayoralty bet sa bayan ng Baganga, Davao Oriental noong Miyerkules ng hapon. Sa ulat ni P/Senior Supt. Jose Carrumba, director ng Davao Oriental PNP office ang binihag na si indepenÂdent mayoralty candidate Ronnie Osnan. Si Osnan ay dinukot ng mga rebelde kasama si Pastor Manny Tizon dakong alauna ng hapon matapos na mangampanya sa bahagi ng Barangay Sampawan. Gayon pa man, pinakawalan naman si Pastor Tizon kung saan naipaabot naman sa pulisya ang naganap na insidente. Kabilang naman sa sinasabing dumukot sa alkalde ay isa nitong kababata at kaklase sa elementarya sa bayan ng Baganga.