6 anyos pisak sa kotse

CAVITE, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 6 anyos na batang lalaki, matapos itong masalpok ng isang rumaragasang Toyota Avanza habang tumawid sa kahabaan Brgy Buenavista II, Gen Trias, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sentry Fortuno, 6 anyos residente ng Karunungan St., Brgy Buenavista II, Gen Trias Cavite. Bagsak kalaboso naman ang driver na nakilalang si Jerry Asuncion, 42 anyos  ng Dasmariñas City. Sa imbestigasyon ni PO2 Barry Baluyot may hawak ng kaso, ganap na alas 5:30 ng hapon ng maganap ang insidente habang bumabagtas sa lugar ang kulay pulang Toyota Avanza ( VDH- 456 ) na nakarehistro sa Ant Industrial Works Inc. Hindi umano napansin ng driver na tumawid ang bata na tuloy-tuloy nitong nasagasaan. Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng behikulo.

Show comments