Suspek sa amok, nag-suicide

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na lalaki na nag-amok kung saan tatlo ang nasugatan matapos gilitan ang sariling leeg kamakalawa ng umaga sa Barangay Bonbon, Tabaco City, Albay. Kinilala ang nag-suicide na si Ronaldo Marco Callos na sinasabing may deperensya sa pag-iisip habang naisugod naman sa Ziga Memorial District Hospital ang mga sugatang mag-asawang Herbert Casyo at Nelia Casyo at pinsang si Ronald Manuel Callos. Nabatid na biglang pumasok sa bahay ng mga biktimang si Ronaldo at pinagsasaksak ang mag-asawang Casyo. Tinangkang saklolohan ni Ronald ang mag-asawa subalit maging siya ay inundayan ng saksak ng pamangking si Ronaldo. Dito na nag-suicide si Ronaldo matapos gilitan ang sarili.

 

Show comments