Mister niratrat dahil sa droga

ZAMBALES, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya niratrat ang 36-anyos na mister ng mga di-kilalang kalalakihan sa madilim na bahagi ng Purok 5, Barangay Pamatawan sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng madaling-araw. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City ang biktimang si Antonio Banay-Banay ng Buklod Nayon, Caloocan City. Ayon sa police report, nagtamo ng 11-tama ng bala ang cal. 45 pistol ang biktima kung saan narekober ang ilang plastic sachet na shabu sa belt bag nito, cal.45 pistol at dalawang fully loaded-magazine sa camouflage jacket.

Show comments