Ninang sa kasalan dedo sa kuryente

NUEVA ECIJA, Philippines – Masyadong mabilis ang salubong ni kamatayan sa 43-anyos na misis matapos itong makur­yente habang nagsasabit ng pakimkim sa kanyang inaanak sa kasal sa Barangay Quirino, bayan ng Talugtug, Nueva Ecija noong Linggo ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Guimba District Hospital ang biktimang si Nanette Cultura-Mason. Nabatid sa imbestigasyon na nagninang ang biktima sa pamangking ikinasal na sina Lee Mason at Elizabeth Gusto kung saan habang nagsasabit ng pakimkim nang makahawak ito sa istrukturang bakal na nagsisilbing canopy. Dahil sa katatapos pa lamang ng ulan ay dumaloy ang kuryente sa bakal na nahawakan ng biktima kaya nagkikisay ito kung saan idineklarang patay sa nasabing ospital.

Show comments