School gumuho: 4 sugatan

BULACAN, Philippines - Apat na trabahador ang iniulat na nasugatan matapos gumuho ang ikatlong palapag ng itinatayong school sa MacArthur Highway, Brgy. Sumapang Matanda sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Isa sa mga biktimang si Ricky Watiwat ay nanatiling inoobserbahan sa Bulacan Provincial Hospital dahil sa kritikal na kalagayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinatutuyo ng mga biktima ang inilatag na semento sa ikatlong palapag ng STI Computer College nang bigla itong bumigay sa hindi nabatid na dahilan. Kaagad na nagpulasan ang mga biktima subalit napasama si Watiwat sa gumuhong semento.

Show comments