2 utas sa bumagsak na payloader sa stage ng LP rally

MACALELON, Quezon, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang mabagsakan ng payloader na nakahimpil sa mataas na lugar sa pagdarausan ng grand rally ng Liberal Party kahapon ng tanghali sa Barangay Pinagbayanan, bayan ng Mcalelon, Quezon. Kinilala ang dalawang namatay na sina Cesar Tolentino, 59, ng Brgy. Taguin; at Arnold Tayag ng Blumentritt,  Manila. Kabilang naman sa mga sugatan ay sina Malou Desembrana,, 53, ng Brgy. Castillo; Aries Dean ng  Brgy. Mabini Ilaya; at si Minda Gerez, 52, negos­yante, ng Brgy. Tubigan Ilaya. Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nagtatayo ng stage para pagdausan ng political rally ng Liberal Party nang pakiusapan ang driver na si Roger Pastrana, 44,  ng  Brgy. Mabini Ibaba para maglagay ng mga tarpauline gamit ang payloader. Nang pinaaandar na ng driver ang payloader ay nawalan ng kontrol kaya dumausdos pababa at natumbok ang kinaroroonan ng mga biktima na pawang mga supporter ng LP.

Show comments