Toddler nalunod sa timba

MANILA, Philippines - Patay ang isang taon at 11 buwang batang babae matapos itong aksidenteng malunod  sa isang timbang tubig sa comfort room ng kanilang tahanan sa Brgy. Basdiot, Moalboal, Cebu kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Trisibbell Monor, wala ng buhay ng madiskubre na una ang ulong nag-dive sa isang timbasng tubig.Sa ulat ng Cebu Police, dakong alas-4 ng hapon ng matagpuan ang bangkay ng biktima ng nakatatanda nitong kapatid na lalaki matapos na pumasok ito sa comfort room. Nagawa pang maisugod sa Moalboal Municipal Health Center  ang bata pero idineklara na itong dead-on-arrival. Sa imbestigasyon, nakatulog ang yaya ng bata na si Sally Fuentes, 22 anyos at hindi nito namalayan na nagising ang alaga na sa sobrang kalikutan ay naglaro sa timba na puno ng tubig na naging mitsa ng kamatayan nito.

Show comments