Pabrika nasunog: 2 patay

BULACAN , Philippines  â€“ Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos masunog sa pabrika ng paputok sa Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Larry Alano, 21; at Adrian Paul Gray. Samantala, sugatan naman sina Cirilo Fernandez at Ramelito Lunquias na kapwa stay-in worker sa nasabing pabrika. Base sa ulat, naganap ang sunog habang gumagawa ng paputok ang mga biktima sa Olly’s Fireworks Manufacturer na pag-aari ni Veronica Cardenas. Si Fernandez ay nasunog ang kanang binti habang si Lunquias ay nasunog naman ang kanang braso habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments