8 nalason sa butete

TUGUEGARAO CITY , Philippines  â€“ Walong sibilyan ang ini­ulat na nalason matapos kumain ng isdang butete sa kanilang pananghalian sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa. Kabilang sa mga naisugod sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ay sina Mark Anthony Peria, 27; July Cadion 30, Arnold Corales, 38; Larry Huso, 48; Ranel Legaldo, 31; Nestor Loromababa, 46; Andy Buendia, 36; at si Albert Corpuz, 40, pawang nakatira sa Barangay 5 ng nasabing lungsod. Ang mga biktima ay namaga, namula at nangati ang buong katawan ng mga biktima. Nagpalabas ng babala ang nasabing pagamutan kaugnay sa pagkain ng mga hindi pangkaraniwang isda katulad ng butete na maaaring makamatay sa taglay nitong toxins kung hindi matatanggal ang mga bahagi nito na lason.

 

Show comments