Magpinsan nilamon ng ilog

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nilamon ni kamatayan ang magpinsang babae matapos malunod habang naliligo sa ilog sa Barangay Gabut, bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Erick Gumarang, hepe ng pulisya, narekober kahapon ang mga bangkay nina Abigail Canteras, 11, ng Brgy. Bangag, Solana; at Ederlin Bernales, 11, ng Barangay Damurug, Alcala, kapwa Grade 5 pupils. Nabatid na nagpalipas ng init ng panahon ang magpinsan kaya magkasamang lumangoy subalit tinangay ng malakas na alon sa Cagayan River. Sinikap naman sagipin ng kanilang lolo ang mga biktima subalit unti-unting nilalamon ng ilog.

Show comments