Preso todas sa heat stroke

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Matinding init sa loob ng kulungan kaya nasawi ang 49-anyos na preso sa panibagong kaso ng heat stroke kamakalawa ng hapon sa Tigaon  District Jail sa Barangay San Francisco, bayan ng Tigaon, Camarines Sur. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuang nakabulagta si Sotres Corre ng Barangay Maangas sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur. Kaagad namang naisugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay. Nabatid na may sakit na tuberculosis ang biktima kung saan sinabayan pa ng matinding init sa kulungan kaya natuluyan ito.

 

Show comments