2 dedo, 14 sugatan sa trahedya

TUGUEGARAO CITY , Philippines  â€“ Kamatayan ang sumalubong sa dalawang sibilyan habang aabot naman sa 14-katao ang nasugatan makaraang mahulog ang isa sa limang trak na convoy sa malalim na kanal sa bayan ng Claveria, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Rene Estabillo, hepe ng pulisya sa bayan ng Claveria and mga nasawi na sina Roslyn Anguluan at Mark Dexter Aggabao na kapwa naninirahan sa bayan ng Enrile. Nabatid na magpi-picnic sana ang mga biktima sa dalampasigan ng Claveria nang makaidlip ang drayber ng trak pagsapit sa kurbadang highway. Dito na nagtuluy-tuloy na nahulog ang trak sa kanal sa tabi ng kalsada.


Show comments