3 pekeng traffic enforcer, tiklo

CAVITE , Philippines  â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong kalalakihan na sinasabing nagpanggap na traffic enforcer matapos arestuhin ng pulisyas sa isinagawang operasyon sa Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Gregorio Lucing, Michael Raba, at si Michael Manabat na pawang mga pekeng enforcers. Base sa police report, dinakma ang mga suspek matapos makarating sa tanggapan ni Larry Nato, hepe ng Imus Traffic Management Office ang mga reklamo ng pangongotong laban sa tatlo. Gayon pa man, habang inaaresto ang tatlo ay inagaw naman ni Lucing ang baril ng isa sa arresting team kung saan naputukan ito sa balikat. Nasamsam sa tatlo ang OVR booklet na ginagamit sa pangingikil.

 

Show comments