Mag-asawa pinagtataga ng anak

MANILA, Philippines - Dahil sa paratang na pagbebenta ng panabong na manok, pinagtataga ng 19-anyos na lalaki ang mga magulang nito sa Barangay Pitogo, bayan ng San Joaquin, Iloilo kamakalawa ng gabi. Sugatang naisugod sa ospital ang mag-asawang Adelaida at Miguel Salve, kapwa 49-anyos habang nasakote naman ang suspek na si Mark Anthony Salve. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang insidente matapos na pagbintangan ni Miguel ang anak nito na ibinenta ang kanilang panabong na manok. Nagkasagutan ang mag-ama hanggang sa kunin ng suspek ang itak at pagtatagain ang ama habang tinamaan din ang ina nito matapos na yakapin ang asawa sa pagtatangkang pigilan ang anak.

 

Show comments