Ex-officer ng Navy, itinumba

CAVITE, Philippines – Napatay ang 53-anyos na dating opisyal ng Phil. Navy makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Tatlong bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni ex-Major Romeo Musni ng Don Gregorio Heights Subd., Sitio Bucal sa nabanggit na bayan. Sa police report, lumilitaw na huling nakitang buhay ang biktima na may kausap na di-kilalang lalaki sa labas ng bahay kung saan umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments