Resort owner sa Gapo, itinumba

OLONGAPO CITY , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 50-anyos na dayuhang resort owner matapos itong barilin ng riding-in-tandem kamaka­lawa ng gabi sa bahagi ng Barangay Barretto, Olongapo City. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Gil Domingo, hepe ng PNP Station 6, malapitang binaril sa ulo ang biktimang si Paul Davy sa loob ng pag-aaring Blue Rock Beach Resort sa Baloy Long Beach habang may kausap na isa pang dayuhan bandang alas-7 ng gabi. Naisugod pa sa Our Lady of Lourdes International Medical Center subalit idineklarang patayang bitkima. Naalarma naman ang mga residente sa unti-unting pagtaas ng bilang ng krimen sa Gapo kahit may pinaiiral na gun ban ang Comelec kaugnay sa nalalapit na mid-term elections.

 

Show comments