Bata nalunod

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Naging mitsa ng kamata­yan ng isang 11-anyos na batang lalaki ang pag-ihi nito sa pampang ng Cagayan River matapos itong aksidenteng madulas sa Brgy. Anao, Cabagan, Isabela kamakalawa.Kinilala ni Isabela Police Spokesman Supt. Narciso Paragas ang biktima na si Aaron Tumaliuan ng Barangay Catabayungan. Sinasabing nagkaroon ng pagsasalo salo ang mag-anak ng biktima sa ilog upang mapawi ang init ng panahon nang naganap ang trahedya.Narekober din ng mga sumaklolo sa insidente ang katawan ng biktima pero idineklara na itong dead on arrival sa pagamutan.

 

Show comments