CAGAYAN, Philippines - – Dapat umaksyon agad ang Department of Foreign Affairs (DFA) at tulungan ang mga Pinoy na tinaturiang tago-nang-tago (TNT) sa Sabah. Ito ang panawagan ni United Nationalist Alliance senatorial candidate Cagayan Rep. Jack Enrile na nagsabing malaki ang kanyang pangamba sa napabalitang panggigipit ng pamahalaang Malaysia sa ating mga kababayan doon.
Sinabi ni Enrile na dahil sa wala pang napagkasunduan kaugnay sa mga siyu sa Sabah na namamagitan sa Pilipinas at Malaysia malaki ang posibilidad na maging biktima ng karahasan at walang hustisya ang mga Pinoy Muslim.
“Hindi malayo na ikulong na lamang ang ating mga kababayan doon kaya akoy’y umaapela sa DFA na bigyan na sila ng tulong. Daan-daang Pinoy na rin ang sapilitang pinababalik sa Pilipinas at ang iba ay napaulat na ikinulong pa.
Kailangang tiyakin natin na sila’y tratuhin sa makatarungang paraan na may kasamang respeto at dignidad,†dagdag pa ni Enrile.