Barangay kagawad itinumba

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Pinaniniwalaang alitan sa droga ang isa sa motibo kaya napatay ang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen  sa bahagi ng Barangay Tabug, Batac City, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang napatay na si Kagawad Jefferson Salacup ng Barangay Rayuray sa nabanggit na lungsod.
 Nabatid na nagbaba ng pasahero ang biktima sa kanyang pinapasadang traysikel malapit sa sabungan nang hintuan at ratratin ng gunmen. 
Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments