Lolo tiklo sa kasong panghahalay

CAMARINES NORTE, Philippines   - Rehas na bakal ang binagsakan ng 74-anyos na lolo na sinasabing panguna­hing suspek sa kasong rape noong 2010 makaraang arestuhin ng pulisya sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng mababang korte, inaresto ang suspek na si Felipe Butalon na sinasabing nagtago sa batas ng tatlong taon sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur. Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang akusasyon kung saan nagpiyansan para sa pansamantalang kalayaan nito.

Show comments