MANILA, Philippines - Sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang dalawang rebel returnees na dinukot at pinatay ng mga dating kasamahang NPA sa Bislig City, Surigao del Sur noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay 1st Lt Jolito BorÂces, civil military operations officer ng 4th Infantry Division ng Phil. Army, nadiskubre ang masaklap na sinapit ng mga biktimang sina Julieto Pilong alyas Dimple Cocoy at Rodel “Brital†Garcia matapos na marekober ang bangkay sa liblib na bahagi ng Sitio Blue Tent, Purok 12, Barangay Bayugan 3, bayan ng Rosario, Agusan del Sur.
Sa imbestigsyon, sina Pilong at Garcia ay kinidnap ng mga rebelde sa pamumuno ni Renato “Friday†Sayasat ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa Bislig City noong Marso 23 ng gabi.
Nabatid na ang mga biktima ay nagkakasiyahan sa bahay ni Purok 12 Chairman Yurie Eupenia nang dukutin at kaladkarin ng mga rebelde patungong kabundukan ng Rosario kung saan tinorture saka niratrat hanggang sa mapatay.
Ayon sa opisyal, ang mga biktima ay tumiwalag sa kilusang komunista sa paghahangad na magbagumbuhay.