Pulis itinumba ng NPA

DARAGA, Albay, Philippines – Napaslang ang isang intel officer ng pulisya matapos itong pagbababarilin ng tatlong rebeldeng New People’s Army sa labas ng himpilan ng pulisya sa Barangay Malabog, bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si SPO2 Elmer Lofamia, may asawa, at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ni P/Senior Supt. Lorenzo Trajano, papasok na sa himpilan ng pulisya ang biktima nang lapitan at ratratin ng tatlong tinedyer na NPA. Kaagad naman na rumesponde ang mga kasamahan ng biktima subalit hindi na inabutan ang tatlong gunmen.

Show comments