Dalaga hinalay, pinatay sa sakal

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan  ang sinapit ng 21-anyos na dalaga matapos itong halayin ay pinatay pa sa sakal ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa panibaong karahasang naganap sa Barangay Pangpang, Sorsogon City, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joan Diaz, may kapansanan sa pag-iisip at nakatira sa Purok 4 , Barangay Tugos.

Ang bangkay ng biktima na walang saplot ang buong katawan ay natagpuan dakong alas- 6 ng kahapon ng umaga sa plantasyon ng niyog sa Hacienda Mateo.

Sa inisyal na ulat, huling namataang buhay ang biktima sa sayawan sa Barangay Hall kung saan nakilala nito ang di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi.

Napag-alamang hinikayat ng suspek ang biktima sa nasabing lugar kung saan naisagawa ang naitim na balak bago isinagawa ang pamamaslang.

Show comments