TUGUEGARAO CITY , Philippines - Umaabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang sinunog matapos salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army ang compound ng mining company sa Brgy. Joaquin dela Cruz, bayan ng Camalaniugan, Cagayan kamakalawa. Sa ulat na ipinaabot ni Cagayan Valley PNP director P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia, dinisarmahan muna ng mga rebelde ang dalawang sekyu ng Well Resource Mining Corporation na sina Michael Furugganan at Lewi Tamayo. Walang nagawa ang dalawang sekyu na iginapos at pinanood na sinusuog ng mga rebelde ang mga heavy eaquipment, heavy duty generator at mga bunker houses ng mining company. Pinaniniwalaang nabigong magbayad ng progressive taxes ang management ng mining company sa mga rebelde.