Barangay kagawad itinumba

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napaslang ang isang barangay kagawad matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Parang, bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Jeffrey Gorospe ang biktima na si Kagawad Carlito Malaqui ng Barangay 21 samantalang sugatan naman ang kanyang mag-inang sina Josephine at Irish na tinamaan sa kanang binti at ngayon ay ginagamot sa Dingras District Hospital.
 Ayon kay Gorospe, inabangang umuwi ng gunmen ang biktimang lulan ng motorsiklo kaangkas ang mag-iina mula sa beach resort malapit lamang sa kanilang tahanan.
 Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng cal. 45. Pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments