3-katao patay sa sunog

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang 59-anyos na retiradong sundalo ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang masunog ang lodging house sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte noong Miyerkules ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Inspector Jonathan Artillero, hepe ng Kapatagan PNP ang mga namatay na sina Rolando Baco, retiradong sundalo ng AFP; Marion Lopez, 28; at ang anak nitong si Jeremy, 8.

Ang bangkay ng mga biktima ay halos hindi makilala matapos na matusta sa sunog na pawang na-trap sa ikalawang palapag ng lodging house.

Nasugatan naman si Kagawad Rolando Mocoro ng Brgy. Poblacion at misis nitong si Esther, mag-asawang may-ari ng Kapatagan Lodging House.

Nabatid na nagkaroon ng brownout kung saan  gumamit ng kandila ang nasabing lodging house na siyang pinagmulan ng sunog.

Naapula naman ang sunog bandang alas-11:30 ng gabi matapos rumesponde ang mga bumbero kung saan umabot sa P 6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

 

Show comments