Konsehala bulagta sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Philippines -  Binistay ng mga naka bonet na mga armadong riding in tandem gunmen ang isang 50 anyos na Brgy. Kagawad  na malubha ring ikinasugat ng  mister nito sa liblib na lugar sa  Brgy. Ballang, Buguey, Cagayan, kamakalawa.

Kinilala ni SPO2 Rodelio Marcos ng Pulisya ng Buguey ang nasawi na si Kagawad Maria Luz Gabuat ng Brgy. Quinawegan.

Ang biktima ay idinekla­rang dead on arrival sa pa­gamutan sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng cal .45 pistol sa kaniyang ulo.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa tinamong sugat sa tagiliran ang mister nitong si Elpidio, 56 anyos, isang mangingisda.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kanilang motorsiklo pauwi na ang mag-asawa dakong alas-9 ng umaga nang sundan at paputukan sila ng mga salarin mula sa likuran.

Sa kasalukuyan, blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpatay.

Show comments