Sex video ng 2 mag-aaral, kumalat

CAMARINES NORTE, Philippines   -  Pinagpipiyestahan ngayon ang sex video ng dalawang estudyante sa pampublikong hayskul matapos na makunan ng video sa cell phone ang kanilang mainit na romansa sa isang kubo na nasa loob ng eskuwelahan sa Camarines Norte. Pumutok ang balita makaraang kumalat sa cell phone at internet ang pagtatalik ng dalawang estudyante  na kapwa 15- anyos na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan. Hiniling naman ni Dr. Arnulfo  Balane, school division superinten­dent na imbestigahan ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang malaking eskandalo na labis na nakakasira sa imahe ng alinmang pampublikong eskuwelahan na sa ganitong murang edad ay kumalat ang sex video. Ayon naman sa ilang nakapanood, hindi naman maituturing na malaswa ang sex video dahil wala namang naganap na pagtatalik sa loob ng kubo maliban sa namukhaan ang magkasintahan.

Show comments