2 dedo sa road mishap

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa nagnap na magkahiwalay na sakuna sa lalawigan ng Cavite kamaka­lawa. Lulan ng motorsiklo si Rolando De Guzman ng Brgy. Zone 1, Dasmariñas City nang salpukin ng pampasaherong jeepney (DXE713)  ni Kiatlin Liu sa kahabaan ng highway sa Barangay H2 sa nabanggit na lungsod. Samantala, si Ronald Lambarte ng Brgy. Poblacion 3 sa bayan ng Indang, Cavite ay nabundol ng trike ni Kenneth Tan ng Brgy. Buna Lejos habang tumatawid kalsada sa Brgy. Buna Cerca.

 

Show comments