Tiktik ng AFP/PNP nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabu­lagta ang 39-anyos na mister na inakusahang tikitk ng militar at pulisya matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Odiongan, Barangay Taraque, bayan ng Sangay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Rolando Bantal ng Barangay San Isidro sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, pauwi na ang biktima nang harangin at ratratin ng tatlong kabataang rebelde dakong alas 2 ng hapon. Nilag­yan ng karatula ang bangkay ng biktima kung saan nakasaad na ang pumatay ay grupo ng Bagong Hukbong Bayan / Partido Komunista ng Pilipinas/ Demokratikong Gobyernong Bayan Edmundo Jacob Cammand / Rinconada Camarines Sur.

 

Show comments