Encounter: 1 NPA dedo; 4 sugatan

MANILA, Philippines - Napatay ang isang rebeldeng New People’s Army habang apat na iba pa ang nasugatan sa naganap na sagupaan sa bulubunduking bahagi ng Makilala, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Lyndon Paniza ng Army’s 10th Infantry Division, nakasagupa ng tropa ng Army’s 57th Infantry Batallion ang grupo ng mga rebelde na nangingikil ng buwis sa mga magsasaka ng saging  sa Brgy. Luayon.

Kaagad namang rumesponde ang mga sundalo matapos makatanggap ng ulat kaya sumiklab ang 30-miunutong bakbakan laban sa grupo ng NPA.

Sa nasabing engkuwentro ay nasa apat na rebelde ang nasugatan na binitbit ng mga kasamahang nagsitakas, ayon na rin sa pahayag ng mga civilian assets ng AFP.

Samantala, isa ring rebelde ang napaslang sa naturang bakbakan na natukoy na miyembro ng Front Committee 72 ng NPA na sangkot sa talamak na extortion sa lalawigan. 

 

Show comments