Bisor utas sa bike crash

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 56-anyos na school district supervisor habang malubha naman ang isang 49-anyos na guro makaraang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bolo Norte, bayan ng Sipocot, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center si Herminio Samonte ng Barangay Sooc sa bayan ang Lupi habang sugatan naman si Rogelio Valencia ng San Bartolome Street sa  Barangay North Centro. Nabatid na papauwi na ang dalawa nang magkasalpukan ang kani-kanilang motorsiklo pagsapit sa nasabing lugar.

 

Show comments