Ama dinedo ng sariling anak

CEBU CITY, Philippines – Napatay ang 63-anyos na magsasaka matapos pagpapaluin ng sariling anak sa likuran ng kanilang bahay sa Sitio Danawan, Barangay Alang-Alang sa bayan ngTabogon, Cebu noong Martes ng gabi.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at nasawi ang biktimang si Teofilo Mahusay habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si  Esteban Mahusay, 38, na umamin sa nagawang krimen.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Sonny Ceniza, lumilitaw na kinompronta ng biktimang lango sa alak ang kanyang anak sa hindi nabatid na dahilan.

Namataan naman ni Gay Tisoro na nag tatalo ang mag-ama sa likuran ng bahagi ng bahay malapit sa septic tank subalit binalewala niya dahil malimit na magtalo ang mga ito.

Dito na inusisa ni Tisoro ang mag-ama dahil biglang tumahimik at bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay. Freeman News Service

Show comments