Magsasaka napagtripang katayin

QUEZON, Philippines - Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng isang magsasaka matapos pagtatagain ng kanyang apat na kapitbahay sa Sitio Ilaya, Barangay Quezon, bayan ng Pitogo, Quezon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si John Satarain habang nasakote naman ang isa sa mga suspek na si Randy Gliane. Samantala, tinutugis na ng pulisya ang iba pang suspek na sina Rudy Lopez,  Jerson Lopez, at si Ramil Hoyas. Ayon kay PO3 Bryan Nobo, napadaan lamang ang biktima sa pinag-iinuman ng mga suspek nang mapagtripang pagtatagain.

Show comments